Eduardo Manalo - downgraded as symbol head na lang ng INC
There's a shift of power na nangyayari or nangyari na sa Iglesia ni Cristo. Dati sa ilalim ng pamamahala ni Erano Manalo, hawak niya sa leeg ang Sanggunian. Nag-iba na ito mula nang mamatay si Erano Manalo at pinalitan ng kanyang anak na si Eduardo Manalo.
Halos lahat ng tungkulin ay nasa Sanggunian na. Ribbon cutting na lang ng mga bagong lokal, INC facilities at photo ops ang visible na ginagawa ni Eduardo Manalo. Pero pag dating sa paghawak ng financials, aralin, pagdedestino ng mga ministro, pagtitiwalag at iba pa ay nasa pamamahala na ng Sanggunian.
Lumakas ang kapangyarihan ni Jun Santos at ng Sanggunian sa ilalim ng mahinang pamamahala ni Eduardo Manalo. May nagsasabi pang ang asawa ni Eduardo Manalo na si Babylyn or Jezebel ang namumuno ng Sanggunian sa ngayon. Bakit pinabayaan ni Eduardo Manalo na malipat sa pangalan ni Jun Santos and family ang mga foundations and corporations ng INC? Kapabayaan ba ito or katangahan ni Eduardo Manalo?
Bakit humantong na itiwalag ang pamilya ni Erano Manalo sa INC? Kahatulang nangangahulugang papunta sa impierno? Nakikita siguro ng Sanggunian na may posibilidad na maging hadlang at may palaban na ugali si Angel at Marc Manalo na kapatid ni Eduardo Manalo.
Nahayag ang mga marangyang pamumuhay ng Sanggunian at kanilang pamilya sa pamamagitan ng blog ni Antonio Ebanghelista noong buwan ng May 2015. Nagulantang ang pamamahala dahil sa detalye at ebidensyang nalathala. Pero talagang nagsimulang sumabog ang crisis sa INC noong lumabas sa Youtube si Angel Manalo at kanyang Ina na nagsasabing delikado ang buhay nila at ng mga ministrong nawawala. THE SHIT HIT THE FAN. Mabilis na kumalat sa social media ang balita ngunit kapansin pansin na kasabay ng nawawalang mga ministro ay nawala din ang Wordpress and Facebook accounts ni Antonio Ebanghelista.
Ang sanggunian ngayon ay nasa defensive mode sa media ngunit offensive mode sa mga INC members na namulat na sa katiwaliang nangyayari sa loob ng INC. Maraming miyembro ang natiwalag. Nasaan si Eduardo Manalo? Hindi ba dapat as a leader eh nasa harapan siya, inaayos ang lahat at nagsasalita upang mapayapa ang lahat?
Kahit mga INC members ay hindi maitatanggi na mahinang leader si Eduardo Manalo compared sa tatay niyang si Erano Manalo. Ng dahil sa kahinaan at kapabayaan ni Eduardo Manalo, lumakas ang kapangyarihan ni Jun Santos at ng Sanggunian. Walang ibang pwedeng sisihin sa lahat ng nangyayaring ito sa INC kung hindi si Eduardo Manalo.
Leader’s wife causing rift in INC?
Part 1: Who is Glicerio Santos Jr in the Iglesia ni Cristo?
Part 2: Glicerio Santos Jr's clout and control in the INC