Iglesia Ni Cristo members are Living in Fear
Christians should fear God; not for their safety from their church leaders. Things got escalated very quickly when Angel Manalo and his Mother appeared in a YouTube video calling help for their INC brethren because their lives are in danger. Nanawagan din ang biyuda ni Eraño Manalo about sa mga nawawalang 10 ministro at kanilang pamilya. Mabilis na kumilos ang pangasiwaan ng INC at madaliang itinawalag ang pamilya ni Ka Eraño Manalo. Nakakatakot ang mga sumunod na pangyayari.
Bro EGM's family - Call for help
Iglesia ni Cristo expels leader's mother, brother
Napabalitang may dinukot na isang ministro na si Lowell Menorca sa Sorsogon na pinaniniwalaang siya si Antonio Ebanghelista na blogger na nagsiwalat ng katiwalian sa loob ng INC. Dinukot siya sa kalagitnaan ng pagsamba sa Sorosogon at kinulong sa Cavite and eventually lumabas sa INC Central at pinasinungalingan na siya daw ay dinukot. Ang kanyang confession ay isinagawa lang sa loob ng isang INC location, walang lokal media, INC media lang smile emoticon Pinasinungalingan ng kapatid ni Lowell na si Anthony ang interview ng INC. Kaya lang daw nagsasalita si Lowell pabor sa INC ay dahil hawak daw ng Sanggunian ang pamilya ni Lowell.
9 ministro ng INC, ipinadakip umano
Sibling of ‘abducted’ minister to INC Council: Free my brother
Isa pang pangyayari ang naganap sa INC member na si Lito Fruto sa Caloocan. Hinagisan siya ng granada sa tapat ng bahay, at patuloy na minanmanan ng mga hindi kilalang tao ang kanyang pamamahay. Umamin siyang nagbibigay ng info sa expose blogger against INC. Then eventually sinampahan siya ng gawa-gawang kaso. Ni-rade ang kanyang bahay, hinuli at ikinulong ng walang warrant of arrest. Ang Chief of Police ng Caloocan Ay isang INC member. Sus. Sa ngayon ay nagtatago si Lito Fruto at natatakot dahil nanganganib ang kanyang buhay at pamilya. Sinabi niyang kung siya daw ay mamamatay o masasaktan, wala daw ibang gagawa nun kundi ang Iglesia Ni Cristo. Aw.
Dating INC member, hinagisan umano ng granada
Suspended Iglesia ni Cristo minister details detention
Pati ang Pasugo Editor na si Isaias Samson at napaulat na na-house arrest at ngayon ay nagtatago na din from Iglesia ni Cristo.
After naman manawagan ng tulong at vigil si Angel Manalo sa YouTube, ilang matapang at naawang INC members ang tumugon at nagpunta da tapat ng mga Manalo family sa Tandang Sora. Pag dating naman nila doon ay Nandun ang spokesperson ng INC at pinagbantaan na matitiwalag at mababaril ng mga snipers sa pananatili nila sa lugar na iyon.
Ano namang klaseng samahan na sa Dios daw, samantalang ang mga kaanib at itiniwalag - ay natatakot sa kanilang buhay? Hindi ba dapat nagtuturo ang Iglesia Ni Cristo ng pagmamahal sa sariling pamilya, sa mga kapatid sa pananampalataya at sa hindi kapananampalataya? Bakit kinatatakutan ang Iglesia Ni Cristo? Umamin ang INC na meron daw silang mga lisensiyadong baril at armas? Bakit at para saan? Bakit hindi ilabas ng Sanggunian ang mga ministro at kanilang pamilya outside at ipa-interview sa media? Kung walang itinatago or walang corruption sa loob ng INC, bakit ayaw nilang magpaliwanag sa nga INC members nilang nagdudusa?
At kapansin-pansin na tahimik ang karamihan ng INC members sa kasalukuyang nangyayari. Ito ay dahil nataniman na ng takot ang mga INC members na ang matiwalag at lumaban sa pamamahala o Sanggunian at nangangahulugan ng kawalang kaligtasan, in short, parusa sa impierno. Matutunan nang tumahimik ng mga bulag na INC members sa kanilang nakikita at manatili na lang sa pagsunod. Kasama na dito ang pagboto sa mga kandidato na ayaw mo, pero dahil sa iyon ang napili ng pamamahala, mapipilitan kang iboto ang mga taong ayaw mo.
At mismong si Angel Manalo at ang Nanay niyang si Ka Lotty ay takot na takot sa kayang gawin ng Sanggunian sa kanilang buhay? Hindi na biro ang nangyayari at kailangan na ngang makialam ng pamahalaan. Ang pagpasok sa Witness Protection Program ng kapatid ng dinukot na Ministro sa Sorsogon is a good start.
Dalisay at malinis ang Iglesia Ni Cristo?
Kahit si satanas ang tanungin mo,
hindi siya makapag-sisinungaling sa kalokohan ni Eduardo Manalo, Jun Santos at ng Sanggunian.
De Lima confirms brother of ‘abducted’ INC minister now under WPP
Supporters of expelled INC members fear for safety
Hindi Maliligtas Ang Nasa Labas Ng Iglesia Ni Cristo
- Eduardo V. Manalo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment