Birhen ng Balintawak of the Aglipay Church





Kung may estatwa ni Felix Manalo ang mga Iglesia Ni Cristo ng Manalo family, kung may Black Nazarene, Maria at Sto.Nino ang mga Pinoy katoliko, hindi din naman pahuhuli ang mga Aglipayan. (Sa mga hindi nakaka-alam ng Aglipayan Church or Philippine Independent Church, eh sila ang Pinoy version ng Roman Catholics). Ang Aglipayans ay nagsimula noong August 3, 1902 - kasagsagan ng Spanish-Filipino-American war. Basically, ang Aglipay Church ay galing sa Roman Catholic Church. Humiwalay sila sa Catholic na galing sa Roma, nag-demand sila ng more Filipino priests in higher ranks then they decided to make their own pinoy version ng Roman Catholic. Tiniwalag si Gregorio Aglipay ng Papa sa Roma for making such demands and for being involved sa revolution nila Bonifacio at Aguinaldo. Then Gregorio Aglipay decided to join the Philippine Independent Church started by Isabelo de los Reyes (also known as Don Belong). So may Roman Catholics from Roma, headed by the pope. At meron namang Pinoy Catholic version from Philippines.

Ang main differences ng Aglipay Church sa Roman Catholic church ay:
Aglipay Church doesn't recognize the Pope in Rome as the head of their church.
Aglipayan have their own Obispo Maximo being elected/selected.
Allowed sa mga pari ng Aglipay Church ang mag-asawa.

What caught my attention about the history of the Aglipayan Church is the origin of Birhen ng Balintawak. Ayon sa kuwento ni Aurelio Tolentin, habang natutulog ang ilang katipunero sa bahay ni Melchora Aquino sa Balintawak, may nanaginip daw either si Andres Bonifacio or Emilio Jacinto about sa isang babae nakabihis magsasaka na may kasamang bata na nakabihis magsasaka din, naka-pulang pang-baba na may itak na sumisigaw ng Kalayaan! Dream? Vision? Warning? Prophecy? Nag-dedelirio sa pagod at puyat? Eh depende na yun kung sino ang tatanungin mo. Ang babaeng may mukhang banyaga na naka-bihis magsasaka ay nag-sabing "Mag-ingat" doon sa nananaginip. So they decided na mag-stambay muna sila sa Balintawak. Then ni-raid daw ng mga Kastila ang printing press na Diario de Manila na eventually nahayag na nga ang lihim ng Katipunan at nahuli ang ilang kasapi nito. In short, niligtas daw ng Birhen ng Balintawak sila Andres Bonifacio, Emio Jacinto at mga kasama.

Ang Birhen sa Balintawak daw ay ang ating Inang Bayan
at ang batang may dalang gulok(itak) ay ang sambayanang Pilipino.

"Mother and Child had the face of Europeans though dressed like Filipinos"

Mag-inang may mukhang banyaga na nakabihis magsasaka,
ay ang ang ating Inang bayan at sambayanang Pilipino?

Hindi kaya kinopya lang ng Aglipayans ang Mother and Child image ng Roman Catholics?
Then, nilagyan lang nila ng patriotic and pinoy touch para mukhang nationalistic ang dating?

1. Walang Article, sulat or revelation from Andres Bonifacio or Emilio Jacinto about Birhen ng Balintawak saving them from the Spaniards.

2. So ang Birhen ng Balintawak ay ang Inang Bayan at hindi si Maria from Nazareth?

3. Wala na bang ibang saksi na nakarinig ng kuwento ni Aurelio Tolentin about Birhen ng Balintawak?

4. Hanggang ngayon, Hanggang ngayon. Malabo pa rin ang accounts ng Cry of Balintawak. Teka, Cry of Balintawak ba talaga or Cry of Pugad Lawin? August 26 ba sa Balintawak or August 23 sa Pugad Lawin Quezon City? Walang naitulong ang Birhen ng Balintawak ang importanteng historical event ng Pinas.

5. Amerikano ang tumalo sa Espana at hindi mga Pilipino. Humingi ng tulong ang Birhen ng Balintawak sa imperyong Amerikano para magkaroon ng kalayaan ang bansang Pilipinas?

6. Andres Bonifacio, ang supremo ng Reboluston was eventually ordered to be killed by Emilio Aguinaldo, an Aglipayan.

7. So ngayong malaya na ang bansang Pilipinas sa kamay ng Espana, Amerikano at Hapon, ano na ang ginagawa ng Birhen ng Balintawak? Dapat pa bang manalangin sa Birhen ng Balintawak?

8. Bakit. Bakit mukhang banyaga ang Birhen ng Balintawak at ang kanyang kasamang bata na nakabihis magsasaka? Mukhang mayaman na nakabihis mahirap? Ang ating Inang bayan ay mukhang banyaga?

9. Ginawang santo dati ng mga Aglipayans sila Jose Rizal at Bomburza. Hindi ko lang alam kung they still respect and worship them as it was then. Basahin niyo na lang yung accounts ng National Historical Commission of the Philippines.

Next time na lang natin pag-usapan ang mga Rizalista pare.

• Jose Rizal: A Hero-Saint?
http://www.nhcp.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=740

• Ang Birhen Balintawak
http://aglipayan.wordpress.com/2011/05/29/ang-birhen-balintawak/

• Virgin of Balintawak
http://opinion.inquirer.net/29687/virgin-of-balintawak

• Cry of Pugad Lawin
http://en.wikipedia.org/wiki/Cry_of_Pugad_Lawin

No comments:

Post a Comment