WANTED ng Sanggunian - Dating Iglesia Ni Cristo Minister Joy Yuson



Ang kaso ni Joy Yuson ang exactly ginagawa ng Iglesia Ni Cristo sa lahat ng 'kumakalaban' sa pangangasiwa or Sanggunian or Jun Santos. Pang-uusig sa pamamagitan ng harassment, pag-sasampa ng kaso at pagtitiwalag. Senyales na hindi tunay nga na relihiyong sa Dios ang Iglesia Ni Cristo or Iglesia Ni Manalo or Iglesia Ni Santos. Dumating pa sa punto na ilagay sa diyaryo ang mga mukha ng mga itinawalag for public shaming ang lahat ng mga kumakalaban sa pamamahala. Nakakahiya at Nakakasuka. Maling-mali na ang mga nangyayari sa iglesia. Tanda ito na hindi sa Dios ang bayan ng Manalo. Kaguluhan at poot sa isa't-isa.



Iglesia ni Cristo bankrupt? All lies, says spokesman

Ex-ministro, kaliwa't kanan ang akusasyon vs pamunuan ng INC

Iglesia ni Cristo sues another expelled minister for libel

INC files libel charges vs expelled minister

NARITO PO ANG SULAT NI KAPATID NA JOY YUSON NA IPINADALA SA AMIN

Ako po si Eliodoro Yuson Jr., isang ministro sa Iglesia ni Cristo na nagpapahayag ukol sa mga bagay na may kinalaman sa mga katiwalian na aking nasaksihan na ginawa at ginagawa ng grupo sa pangunguna ni Mr. Glicerio "jun" Santos, General Auditor ng Iglesia ni Cristo at ni Ka Babylyn Manalo, asawa ni Ka Eduardo.

Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET). Nagsimula po ako sa aking tungkulin noong 1989 sa ilalim ng Pangangasiwa ng Kapatid na Felix Nathaniel V. Manalo at Kapatid na Marco Erano V. Manalo, mga anak ng namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Erano G. Manalo.

Bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa aming tanggapan.

Saklaw po ng operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay saklaw ng aming Tanggapan ang ilang bahagi ng housing distribution para sa aming mga kawani, ang Security Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni Cristo.

Ang GEMNET din po ang nasa likod ng mga malalaking program presentations and television shows ng iglesia sa mga malalaking okasyon nito.

Kami rin ang kasama sa mga pangangasiwa ng mga pagsamba ng Ka Erdy at ng Ka Eduardo para sa video coverages at sound system.

Maging ang mga communication equipment na ginagamit ng iglesia ay nagmumula po sa mga research ng aming tanggapan.

Ako po ay inalis sa opisina at idinestino sa Distrito ng Capiz noong Disyembre 2009. Ipinatawag po ako ng Ka Eduardo dahil daw sa ulat na ipinalangin ko raw sa harap ng mga ministro at kawani ng GEMNET at NET 25 na "inaapi ang pamilya ng Ka Erdy". Ang totoo po ang aking ipinalangin ay "iligtas ang pamilya ng Kapatid na Erano G. Manalo sa isipan ng mga taong masama at mapang-api". Maaaring magkakahawig ang mensahe at mga salitang iyon ngunit ang tanong: bakit sila nasaktan sa panalangin? Sino ba ang nag-api sa pamilya ng Ka Erdy?

Habang kausap ako ni ka Ed Santiago na pinanonood ng Ka Eduardo sa CCTV ay sinabi sa akin na dapat daw ay itiwalag ako dahil sa aking panalangin ngunit dahil sa nagsilbi ako mula pa sa panahon ng Ka Erdy ay idedestino na lamang ako sa Capiz. Sumagot ako kay ka Ed na, okey lang po na idestino ako ngunit ang inaalaala ko ay ang pagtatagumpay ng masama. Sumagot si Ka Ed na "huwag mo nag isipin kung nagtagumpay ang masama ang mahalaga ay sumunod ka". Agad-agad po akong sumagot na Opo! Ipakikita ko po sa Ka Eduardo ang lubos kong pagsunod. Sinabi ni Ka Ed na, Joy, kilala ko na ang kalaban mo (parang ibig niyang ipahiwatig na malakas sa iglesia ang nagpapaalis sa akin sa opisina). Idinagdag pa ni Ka Ed na ang bilin daw ng Ka Eduardo ay "Ako ang nagbaba sa iyo, ako rin ang magtataas sa iyo". Kalakip nito ay ibinilin sa akin na huwag kong dalhin sa destino ang aking asawa at mga anak. Ngunit hindi ko ito sinunod. Dinala ko ang aking asawa at mga anak sa Capiz sa dahilang alam ko na ang ibig sabihin ng lahat. Itutulad nila ako sa ibang mga nagmula sa aming opisina na kinuha nila sa layuning saktan ang Kapatid na Angel Manalo at ang Kapatid na Marc. Isang bagay na hindi ko papayagang mangyari kahit ano pang paghihirap ang aming danasin. Maaaring ang mga dati kong mga kasama sa opisina ay umunlad ang pamumuhay, binigyan ng mga driver at mga magagarang sasakyan. Pinagkalooban ng mga malalaking bahay, salapi at mga bagong kagamitan, ngunit hindi ko kailanman ipagpapalit ang aking katapatan sa Diyos at sa pamilya ng Kapatid na Erano G. Manalo.

Pagdating ko ng Capiz ay nagsimula agad ako sa paggawa. Inayos ko ang lokal, higit sa doble ang naging mga maytungkulin at ang S.No. ng Lokal ay nadoble sa loob lamang ng isang taon. Iyon ay awa ng Diyos. Isang buwan pa lang ako roon ay dumating si Ka Roland Esguerra at pinayuhan ako na limutin na ang Ka Angel at ang opisina. Ayon sa kanila ay maaari akong maging Tagapangasiwa at Pastor sa maynila sa simula. Nagpasalamat ako sa gayong mga payo ngunit hindi ko maaaring limutin ang taong humubog sa akin upang maging tapat sa Diyos.

Taong 2010 ay naramdaman ko na ang katiwalian sa Iglesia. Ito ay nang kanilang ipahayag ang pagtatayo ng FYM Foundation kasabay ng bagong handugan na Lingap Sa Mamamayan. Alam kong ito ay katiwalian sapagkat ayaw na ayaw ng Kapatid na Erano G. Manalo na magdagdag ng handugan at pasanin ng mga kapatid sa Iglesia. Lalong naging malinaw sa akin ang katiwalian nang magsimula na silang humingi ng malakihang Tanging Handugan para sa mga sinalanta ng bagyo. Katunayan ito na ang pondo ng Lingap sa Mamamayan linggu-linggo ay nawawala. Sinundan ito ng mga malalaking Handugan para sa Centennial Celebration at para sa pagpapagawa sa Arena. Sa taon ding ito ay nalaman ko ang pagbili ng mga helicopters at mga private jets o eroplano. Nakita ko nang malinaw na ibang-iba na sa simulain ng Ka Erdy na pagtitipid oara makapagpatayo ng mga gusaling sambahan. Unti-unti ang mga kahilingan namin sa lokal ay hindi pinagtitibay para makabili ng mga kagamitan, mapapinturahan at maiayos ang lokal. Maging ang bulok na kapilya ng Distrito ay hanggang ngayon ay hindi naipaayos sa kabila ng maraming pagtugon sa mga Malakihang Tanging Handugan para sa repair nito.

2012 nang mabalitaan ko ang sunod-sunod na pang-aapi nila sa Ka Tenny at sa mga anak ng Ka Erdy. Tinatakot nila, inaalisan ng mga hardinero, guwardiya, mga kasambahay at driver. Nagpahinga ang kapatid na Ed Hemedez, malungkot kami sa balitang iyon ngunit umaasa na iyon na ang pagkakataon para kausapin na ng Ka Eduardo ang Ka Tenny at ang kaniyang mga kapatid. Nabalitaan namin na nabigo kami sapagkat nang makapagbihis na ang Ka Eduardo at mga anak uoang pumunta sa lamay ay sinigawan si ni Ka Babylyn na "walang aalis!" Hindi natuloy ang pag-uusap ng magkapatid. Dahil dito, kinausap ko ang aking pamilya at sinabi ko sa kanila na iiwan na namin ang Lokal para sa mas malawak na gawain ng Iglesia sapagkat natupad na ang ipinagpauna ng Kapatid na Erano G. Manalo noong 2006 na aapihin ang kaniyang sambahayan at itatalikod na ang Iglesia. Sa Lokal ay iilang daan lamang ng mga kapatid ang aking mapaglilingkuran, ngunit nangangailangan kaming maglingkod sa higit na nakararami at sa pamilya ng Ka Erdy. Masakit na masakit sa loob ko na pinagmamasdan ang mga lumuluhang kapatid sa aming paglisan. Nangako ako sa kanila na silay aking babalikan pagkatapos ng isang taon. Sapagkat inakala ko na matatapos ang problema sa loob lamang ng isang taon.

Tumira kami sa isang bagong pagawa na bahay ng aking biyenan sa bulacan. Namuhay kami ng tahimik habang nag-aabang ng pagkakataon kung ano ang maitutulong namin sa suliranin ng Iglesia at sa pamilya ng Ka Erdy. Nag-alaga ako ng baboy, manok at kambing para kahit papano ay may mapagkakitaan. Pinasok ko ang pagbubungkal ng lupa kahit wala akong karanasan para makatulong sa amin sa pang-araw-araw.

Mula pa po sa panahon ng Pamamahala ng Kapatid na Erano G. Manalo si ka Glicerio "Jun" Santos Jr. ay kinakitaan na po ng mga anyo ng katiwalain ngunit kaagad agad po na siya ay nadidisiplina. Kontrolado po ni Ka Jun Santos ang buong pananalapi ng Iglesia at ang sistema nito ay kaniyang nabaluktot sa pamamagitan ng pagsaklaw niya sa lahat ng mga ministrong ingat-yaman at mga auditors sa buong mundo. Maging ang lahat ng auditor at ingat-yaman sa mga locale level ay tuwiran po na nag-uulat at nasasaklaw ni Ka Jun Santos. Sa loob ng Central Office ay ganito rin po ang sistema. Walang tauhan na maituturing ang General Treasurer ng Iglesia. Lahat ay nasasakop ni Ka Jun Santos. Lahat po ng ari-arian at resources ng Iglesia ay nasasakop ng kapangyarihan ni Ka Jun. May mga pumupuna po sa ganitong sistema na kaniyang ginawa ngunit kapag nakarating kay Ka Jun ang ganoon pagpuna ay kaagad niyang ginagawa ang oaraan upang maalis sa tungkulin ang gayong ministro o kaya ay gipitin ang nasabing kapatid.

Maraming pagkakataon po sa Pamamahala ng Ka Erdy na siya ay nasususpende o nailalagay sa "floating status". Ang isa sa katiwalain sa pananalapi na nangyari sa panahong iyo ay ang pagakawala ng hindi maliit na halaga ng salapi ng iglesia na bahagi ng nakadeposito sa MetroBank. Ang pagkawal ng naturang salapi ay natuklasan ng namayapang kapatid na Pabling De Leon, ang dating Ingat-Yaman Pangkalahatan ng Iglesia. Dahil po dito ay inalisan si ka Jun Santos ng ilang mga bahagi ng kaniyang mga gawain at inilagay bilang katulong sa pagbabantay sa pananalapi ng Iglesia si kapatid na Armando Manalo.

Subalit hindi napigil sa mga ganitong pangyayari ang pagkauhaw ni Ka Jun sa salapi. Ipinagapatuloy po niya ang kaniyang nasimulan at matatag na pinagkakakitaan niya ng salapi ng iglesia ang ukol sa pagbili ng mga lupa at ari-arian ng iglesia. Kasabuwat niya sa maling gawaing ito ang noon ay iilan pa lamang na mga tiwaling mga Tagapangasiwa sa mga lalawigan. Ang mga ari-ariang nakatakdang bilhin ng iglesia na nagkakahalaga ng mga malalaking halaga ay pinapupuntahan niya sa kaniyang mga sariling ahente upang sila ang makikipag-usap sa mga may-ari nito at nang sa ganon ay mapatungan nila ang presyo at makakuha ng porsiyento. Ang ilan sa naging ahente niya ay ang isang anak ng namayapang ministro na si ka Gaviola. Ngayon ay lubhang mayaman na rin ang nasabing kapatid dahil sa pagpakasangkapan sa mga gawain ni ka Jun Santos. Kapag hindi mabuti ang naging resulta ng mga transaksiyon ay hindi ipinatutuloy ni ka Jun ang pagbili sa anomang ari-ariang iniaalok sa iglesia kahit na ito ay lubhang kapaki-pakinabang para sa organisasyon at sa paglilingkod. Ang mga lokal na ahente (kapatid man o hindi) kapag hindi tauhan ni ka Jun Santos at kahit na sila pa ang nagsimula sa mga naturang negosasyon- sila'y hindi makikinabang. Isa lamang si kapatid na Glenda Ruivivar Mangandi (na ngayon ay asawa na ng ministro) na dumanas ng maraming kalupitan sa kamay ni ka Jun Santos.

Ang sistema nilang ito ang nagbigay sa kanila ng malaking kita sa lupa na binili ng iglesia upang pagtayuan ng Philippine Arena.

Bukod pa po sa mga pagbili ng mga lupa ng iglesia ay pinagkakakitaan din niya ang mga supplier ng Iglesia ni Cristo. Sa ngayon ay maraming supplier ang tumatanggi sa iglesia dahil sa napakataas na commission rate na hinihingi ng grupo ni ka Jun Santos. Dati-rati ang mga transaksiyon ukol sa paghingi ng komisyon ay giangawa po nila ka Jun Santos at ka Caloy Ortiz (Purchasing Department Head) after office hours sa nga restaurants at mga liblib na lugar. Sa kasalukuyan ay wala nang takot ang kanilang grupo na gawin ang mga ito sa loob mismo ng Central Office. Dati ay mahigpit na ipinatutupad ang paggamit ng mga canvass slip bilang isa sa mga requirements ng purchasing. Ngunit ang bagay na ito ay hindi na po tinutulad sa kasalakuyan kundi kung sino ang higit na makapagbibigay ng mas malaking komisyon sa grupo ni Ka Jun Santos. May isang pangyayari noong 210 kung saan isang manggagawa na nakadestino sa Net25 ang inalisan ni Ka Jun Santos ng karapatan sapagkat tumutol ang kapatid na bilhin ang mga VNC Connectors sa halagang mahigit isang milyon samantalang ito ay nagkakahalaga lamang ng P25,000.

Sa ganito ring paraan kumita si ka Jun Santos at ang kaniyang pamilya at mga kaibigan ng lubhang napakalaking halaga nang gawin ang Philippine Arena. Inilagay po niya bilang tagapangasiwa ng buong proyekto ang kaniyang anak na si GP Santos. Hindi po bat malinaw na conflict of interest ito? Si ka Jun ang Auditor General at ang kaniyang anak naman ang nangangasiwa sa proyekto. Kaya hindi po nakapagtataka na sa pagtatayo pa lamang ng Canteen sa loob ng construction site ng kaniyang anak na si Jet Santos ay lubhang napakalaki na po ng kanilang kinita. Gaano pa kaya ang mga komisyon nila mula sa iba't-ibang mga kontratista at suppliers?

Hindi po isang bagong bagay ang gawaing ito ni Ka Jun. Matagal nang nagsosolong kontratista noon ng mga malalaking project ng Iglesia at mga kapilya si Jun Garcia-isang malapit na kaibigan ni ka Jun Santos. Bago nagpahinga ang Kapatid na Erano G. Manalo ay bumabangon na noon unti unti ang iilang mga kapatid sa iglesia na nagsasalita at nakahandang huamarap bilang saksi kung papaano ninanakaw ni Jun Garcia ang mga gamit ng kinstruksiyon sa mga kapilya na nasa mga bodega ng Tagumpay. Ginagawa nila ito kung gabi at iyon din ang kanilang ide-deliver kinabukasan sa mga Purchase Order ng iglesia. Ngunit ang kasong ito ay naglaho kasabay ng pagpahinga ng Tagapamahalang Pangkalahatan.

Ang New Era General Hospital ay isa rin sa mga pinagkukunan niya ng malaking pakinabang. Inilagay niya bilang tagapangasiwa ng ospital ang kaniyan anak na si Serge Santos. Direktang nakikipag-ugnayan sa kaniyanga mga upplier ng mga medical equipment at mga gamot at isinasama pa niya sa bansang tsina upang mapag-canvass. Ang isa rito ay si kapatid na May Sanchez. May isang pagkakataon noon na sinuraan niya sa Kapatid na Eduardo Manalo ang Kapatid na Marc V. Manalo sapagkat pinuna siya sa kaniyang biniling mobile x-ray machine na lubhang napakataas ng halaga at hindi akma at hindi nakaabot sa tamang pamantayan. Nagalit din siya sa Ka Marc sapagakat inuunti-unti ng Ka Marc na ayusin ang Auditing system ng ospital sa pamamagitan ng ISO seminars ng mga tauhan nito at sa pagco-computerization nito. Dito po nagsimula ang mga hakbangin ni ka Jun para maglayo ang mga kalooban ng magkakapatid.

Bukod po rito ay mayroong isang pangayayari sa kasaysayan hindi lang po ng iglesia kundi maging ng gobyerno ng Pilipinas na hayag sa paningin ng buong mundo. Kung matatandaan po ng lahat ay nagpakalat ng text message ang grupo nila ka Jun Santos noon 2012 na diumano ay pinipigilan ng Aquino government ang pagpasok ng mga materyales para sa konstruksiyon ng Arena. Ang totoo po ay walang katotohanan ang naturang paratang kundi humihingi lamang po ang gobyerno ng tamang buwis sa mga materyales na inaangkat mula sa ibang bansa yamang ito'y gagamitin para sa Philippine Arena at hindi ng Iglesia ni Cristo na isang non-profit organization. Ngunit dahil po sa baluktot na kaisipan ni ka Jun Santos ay ginamit niya ang lakas ng iglesia para sa kaniyang sariling pakinabang.

Hindi pa po nakontento ay pinakialaman din po niya ang pagpapatupad ng hustisya at batas ng lipunan nga kaniyang hadlangan ang ginawang pag-aresto ng INTERPOL kay Ja Hoon Ku na isang fugitive Korean criminal dahil sa pagnanakaw ng may $200million mula sa isang Korean Company. Ang ginawang ito ni ka Jun ay hindi po nalingid sa lahat sapagkat ito po ay naibaliat sa mga national televisions at ng mga pangunahing peryodiko ng bansa. Isang bagay na hindi pangkaraniwan para sa isang iglesiang dati ay malinis at may pangalang iniingatan.

Subalit mga kasamaan ito ay ay hindi natapos at hindi pa sapat para kay ka Jun Santos. Sapagkat higit na malaki ang kaniya nang mga nagawang lihim kaysa mga bagay na naihayag.

Marso 10, 2011 nang maging legal ang kaniyang pagnanakaw sa mga abuloy ng iglesia. Sa petsa pong ito ay lumabas ang isang pastoral letter ng Kapatid na Eduardo Manalo sa udyok ni Ka Jun Santos ukol po sa pormal na pagkakatatag at pagpapatibay ng pamahalaang pilipinas sa Felix Y. Manalo Foundation. Dahil sa pastoral letter ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ay pikit-matang sumunod ang mga kapatid sa iglesia ukol sa pagdaragdag ng bagong abuluyan sa loob ng iglesia na tinatawag na "Para sa Lingap". Dito po, ang handog ng iglesia ay napupunta sa foundation. Ayon sa pastoral letter ay nilalayon ng foundation na maging kabalikat ng iglesia sa pagtulong sa kapuwa at sa mga kapatid sa iglesia na naging biktima ng mga kalamidad. Kaya iniutos ng pamamahala sa mga kaptid ang lingguhang paghahandog ukol sa dito. Dito unti-unti at malayang naisasagawa ni Ka Jun Santos ang paglipat sa lahat ng salapi ng Iglesia tungo sa foundation na kaniyang itinayo. Ang mga handugan para sa foundation ay mahigpit na ikinakampanya sa kahat ng mga kapatid at mahigpit itong tinututukan ito sa mga lokal at distrito na buong sigasig na ikinakampanya sa mga bawa't lokal. Sa mga lingguhang klase ng mga ministro ay ioinakikita po ang mga bahagdan ng mga tumtugon at tinatawagan ng pansin ang mga ministro, pinagsasalaysay ang mga mahihina ang prosiyento ng nagtatanging-handugan sa kanilang lokal. Ipinasasama po ito ng mga District Ministers sa mga ministro sa nga panahon ng kanilang mga pagtuturo sa mga pagsamba. Natatandaan ko pa po na ipinangako ni ka Jun Santos sa mga ministro na dahil po sa handugan sa lingap ay hindi na po na po dapat mag-alalaa ang mga ministro at ang kanilang mga pamilya kapag nagkakaroon ng mga karamdaman sapagkat libre na ang lahat ng uri ng pagmamagamot. Ngunit hindi po nangyari ang mga bagay na ito pagkatapos ng ginawa ng mga ministrong pagkampanya nito sa mga lokal. Ang totoo sa panahong dumating ang mga kalamidad sa bansa ay panibagong Tanging Handugan din ang isinagawa. Kaya hindi po maiiwasang marinig ang tanong ng mga ministro at mga kapatid, nasaan ang pondo sa lingguhang tanging handugan para sa lingap? Lalong naging maugong ang mga katanungang ito nang magsimula sila ka Jun Santos na magbenta ng mga T-Shirts at humingi ng mga registration fees para sa "Walk to Yolanda". Karaniwan ay mas mahal ipinagbibili ang halaga ng registration fee at t-shirts sa mga mayayamang bansa, ngunit ang lalong masaklap, ang mga kapatid na nagbayad ay hindi nabugyan ng mga t-shirts.

Maging ang mga sasakyang ginamit sa paghahakot sa mga kapatid ay piangkakakitaan at naging daan ng corruption. Lahat nga sasakyan na kinontrata ni Ka Jun Santos sa mga malalaking okasyon ng Iglesia ay hiningan ng kaniyang grupo ng komisyon. Dahil dito, sa mismong araw ng mga okasyon ay walang mga sasakyang lumitaw upang masakyan ng mga kapatid. Walang timakbong sasakyan na binayaran ng iglesia sapagkat sa ganoong paraan lamang makababawi ang mga may-ari ng mga sasakyan sa mga komisyon na kanilang ibinayad sa grupo ni Ka Jun Santos.

Ugali na ni Ka Jun Santos ang gumawa nga isang malaking proyketo sa Iglesia na maari niyang pagkakitaan o mapagkukunan ng salapi. Madalas niyang gamitin ang mga poryektong may kinalaman sa pagdamay sa kapuwa at sa evangelizations. Ginagamit niyang dahilan ang pamimigay ng mga groceries at bigas upang hingan ng abuluyan ang iglesia. Pagkatapos na makapaghandog ang buong iglesia ay walang bigas at groceries na pinamili para ipamimigay-ang mga ito ay ipinasasagot din sa mga kapatid sa iglesia.

Nagpagawa rin si Ka Jun Santos ng "coffee table book" na naglalaman ng kasysayan ng buhay ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo at ang mga ito'y ipinagbili niya sa mga kapatid sa mataas na halaga. Ang bagay na ito ay hindi dating ginagawa ng Iglesia.

Sa nakaraang anibersaryo, lahat ng uri ng memorabilia ay ipinagawa ni Ka Jun Santos, mula sa ballpen hanggang sa pamaypay. Lahat iyon ay may tatak ng seal ng iglesia. At ipinagbibili ng "Unlad Kabuhayan" ni Ka Jun Santos. Alam ng lahat ng kapatid na ito'y isang hayag na tanda ng corruption sapagkat mahigpit itong ipinagbabawal sa loob ng iglesia mula pa sa Pamamahala ng Kapatid na Felix Manalo. Nakipagtie-up din siya sa globe Telecoms at nagbenta ng mga sim cards. Bukod dito ay naglagay rin siya ng mga LCD sa ilang mga properties na binili ng iglesia na nagpapalabas ng mga advertisements ng iba't-ibang produkto.

Lumitaw ang iba't-ibang uri ng mga pagnenegosyo sa mga kapatid: ang mga ibinebentang mga frachises, food carts at iba't ibang business opportunities sa ilalim ng mga kompanya at foundations na kanilang itinayo kasama na ang UNLAD KABUHAYAN at MALIGAYA DEVELOPMENT CORPORATION. Sa pamamagitan din nga Maligaya Corporation ay nakapangutang si Jun Santos ng malalaking halaga sa mga bangko na ang iginagarantiya ay ang mga properties ng iglesia. Nagawa rin niyang ipagbili ang maraming ari-arian ng iglesia nang hindi nalalaman ng mga kaanib nito.

Sa isa pong kaanib sa Iglesia Ni Cristo na nagmamasid, walang pagdududa na matindi na ang katiwalian sa loob ng Iglesia. Sapagka't ang iglesia ay hindi itinatag para lumikom ng pondo at magtayo ng mga negosyo samantalang pinababayaang wasak at hindi naisasaayos ang maraming gusaling samabahan nito.

Sa kasalukuyan ang isa sa kaniyang tinatrabaho ngayon para pagkakitaan ay ang pangongontrata sa lahat ng mga pulitiko para ang kaniyang "Unlad Kabuhayan" ang gumawa ng kanilang mga t-shirts at campaign materials. Tiyak ang kapalit nito-ang boto ng iglesia.

Nang malaman ni Ka Jun Santos na ako at ang aking asawa ay nagsimulang magbalita sa mga kapatid sa lahat ng mga katiwaliang kaniyang giangawa ay doon nagsimula ang mga panggigipit at pagbabanta sa buhay ko at ng aking buong sambahayan.

Isang hapon ay nagtungo sa aming tahanan sa bulacan ang destinado ng lokal at ipinaalam na guston makausap ng tagapangasiwa ang aking asawa. Bandang alas 5:30 ng hapon ay dumating ang tagapangasiwa at muli kaming pinuntahan ng destinado upang ipaalam ito sa amin. Kaagad kaming pumasok sa loob ng bahay at isinara namin ang gate ng bakod at ang lahat ng mga pintuan ng bahay. Pinatay namin ang mga ilaw sapagkat ayaw kong kausapin nila ang aking asawa dahil bilang matagal nang ministro sa loob ng iglesia ay alam ko na ang gagawin nila sa aking asawa-kanilang pagagalita, pagbabantaan at tatakutin at pagagawin ng salaysay ng pagtatapat sa kanila at hindi pagsasalita at pagtutol anoman ang kanuyang makitang katiwalian. Dahil po sa hindi pagtungo ng aking asawa sa opisina ng destinado na nasa kabilang bakod lang namin, pumasok nang walang paalam sa aming compound ang tagapangasiwa ng distrito ng bulacan na si Ka Arnel Nacua kasama ang destinado ng lokal, ilang nga diakono at mga miyembro ng scan. Tatlong beses silang labas masok sa aming compound, sumisigaw at tinatawag ang aming mga pangalan, umakyat sa main lobby ng aming bahay at kinalampag ito, pinuntahan ang magkabilang pinto ng bahay sa likurang bahagi nito at gayon din ang ginawa habang nagsasalita na "saan bukas?" Lubhang natakot at na trauma ang aking mga anak habang tahimik lamang kami sa aming kuwarto na nag-aabang sa susunod nilang gawin. Pagkatapos nito ay pinabantayan ng mga miyembro ng scan ang paligid ng aming compound. Hinintay namin na sila'y makatulog hanggang sa bandang alas 2:00 ng umaga ay lihim kaming tumakas at pumunta ng maynila. Bandang alas 6:00 ng umaga habang pinuntahan ng aking asawa ang kaniyang Nanay na nagtitindad sa palengke upang ipaalam na dumating na kami ay biglang nag ring ang telepono ng kaniyang nanay at ang tumatawag ay ang tagapangasiwa ng bulakan na si Ka Arnel Nacua na itinitanong kung kami ay nasa maynila. Inamin ng aking biyenan na kami ay naroon kaya bigla kaming bumalik sa bahay upang kunin ko ang aking mga anak na nagpapahinga. Ilang sandali pa lamang pagkatapos naming makaalis ay dumating naman ang pastor ng lokal ng Kalandang at hinahanap kami. Dito nagsimula ang aming pagtatago. Kinabukasan ay pinulong ni Ka Armando Ernie ang lahat naming kamag-anak at pilit na itinatanong sa kanila kung nasaan kami. Pati mga batang maliliit na 4years ood ay isinama nila sa pulong at itinatanong kung nasaan kami. Tinakot silang lahat na ilitaw kami at iparating sa kanila ang anomang impormasyon ng aming kinaroroonan dahil kung hindi ay kasama silang ititiwalag. Nang hindi kami masumpungan ay kanila kaming itiniwalag. Pagkatapos naming matiwalag ay patuloy pa nilang ipinapatawag at pinupulong ang aming mga kamag-anak, apat na beses pa nila itong ginawa. May mga text messages po akong natanggap, impormasyon ng ilang kapatid na nagmamalasakit at ang sabi ay magtago ako dahil ipinahahanap ako at ipinapapatay. Ito raw po ay narinig nila sa pag-uusap ng ilang mga ministro. Patuloy din nilang ponupulong at kinakausap ang aking mga biyenan, bayaw, hioag at mga pamangkin sa pamamgitan ng Pastor ng Kalandan. Binilinan sila na huwag kaming tutulungan, kupkupin o damayan. Ituring daw kaming mga kriminal o mga NPA. Sa oras daw na kami ay tulunga ay madadamay sila. TNang hindi pa rin kami makita ay kanilang itiniwalag ang aking kapatid na babae at pamangkin sa lokal ng Buting. Bago itiniwalag ay kinausap sila ng kanilang Tagapangasiwa at tinakot na ang sabi "ano ang gusto ninyo, patayan?"

Buwan ng Abril nang subukan naming umuwi muli sa Bulacan upang makapamuhay ng normal. Muli kaming nagtanim at sinikap na mamuhay ng normal. Ngunit muli kaming ginipit. Kinausap ng destinado ang aking mga biyenan para palayasin kami. Bandang alas 12:00 ng tanghali ay biglaan akong nagpasiyang umuwi ng maynila. Nagalit ang aking mga biyenan dahil walang bantay sa bulacan. Ang sagot ko ay kinakabahan ako. Napilitan silang pumunta ng bulacan upang pumalit sa amin. Bandang alas 4:30 ng hapon ay tumawag sa aking asawa ang aking biyenang lalake at ibinalita na dumating ang tagapangasiwa ng bulacan at may kasamang tinted van na puno ng mga lalake. Sumilip lamang sa compound namin at agad na umalis din. Napilitan kaming muling magtago nang may isang buwan ngunit dahil sa hirap at sa awa namin sa aming mga anak na puro de lata na lamang ang kinakain ay muli kaming umuwi sa bulacan, kinuha namin ang isang pangulong diakono upang maging katulong namin sa pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim. Ngunit hindi nagtagal ay muli kaming ginipit, ang isang Pangulong Diakono na katulong namin sa pagsasaka at sa pag-aalaga ng tilapia ay kanilang pinaalis at pinagbantaang ititiwalag kung hindi aalis. Napilitang umalis ang kapatid na lumuluha sapagkat nawalan din siya ng ikabubuhay. Ninakaw ang aming mga isda at ang bunga ng mga mais na aming pinagpaglan.

Gabi ng araw ng Sabado ay kinausap ng destinado ang aking biyenang lalake at ipinaalam na kinabukasan ay mangangasiwa ng pagsamba si Ka Gerson Bernisca at kakausapin ang aking biyenan tungkol sa akin at sa aking pamilya. Ayaw kong makita kami ni Ka Gerson kaya Dala namin ang ilang sako ng mangga na aming inani upang ipagbili, umuwi kami ng maynila. Habang nasa North Expressway kami ay Iisang tawag sa telepono ang aking natanggap mula sa aking kaibigan na binayaran umano ni Ka Jun Santos ang Pulis Kalookan upang ako ay arestuhin dala ang fake na warrant of arrest at search warrant. Pinayuhan niya ako na dapat ay laging may kasama dahil baka taniman ako ng drugs at dalhin sa sang lugar at patayin. Isang pulis na kapatid ang siyang nagreport nito sa kaniya. Ipinatanong po namin ito sa iba pang mga kapatid kung gaano katotoo at na confirm po na totoo ang move ni Jun Santos ngunit hindi po pumayag ang Judge na ito ay gawin.

Iba't ibang mga kapatid at mga dating kasama sa opisina sa central na nagkumpirma na mayroon utos si Jun Santos na lahat kaming mga nakikipaglaban sa kalinisan ng iglesia ay hanapin at patayin, sagasaan kung nasa daan, hold-upin at akyatin ang bahay at pagnakawan at patayin. Isang nagmalasakit sa aming kaligtasan ang nakasama sa isang pagpupulong na kanilang ginawa. Kaya muli na namang nagtago ang buo kong pamilya hanggang sa araw na ito. Tumawag ang asawa ko sa kaniyang ama kinabukasan uoang makibalita sa naging resulta ng pag - uusap nila ni Ka Gerson Bernisca. Ayon sa aking biyenan ay ibinilin ni Ka Gerson na huwag kaming kupkupin o kaya ay paghiwalayin kami ng aking asawa at mga anak upang ako ay gipitin. Katulad ng pastor ng Kalandang ay sinabi niya na ituring daw kami na mga kriminal, demonyo o kaya ay mga miyembro ng New People's Army. Hindi raw kami dapat mahalin at kaawaan. Kung ayaw ko raw bumalik sa kanilang panig ay baka hindi ko raw alam kung saan ako pupulutin at kung ano ang mangyayari sa akin. Nagbilin siya sa aking biyenan na makipagkita kay ka Arnel Nacua kinabukasan. Nakibalita kami sa aking biyenan noong lunes ng gabi tungkol sa mga sinabi ni ka Arnel Nacua. Ayon sa aking biyenan ay pinalalayas daw kami sa bulacan. Ako raw ay isang demonyo at huwag daw pabayaang tirhan ng mga demonyo ang magandang bahay ng aking biyenan. Maaari daw magpunta roon ang aking asawa at mga anak ngunit hindi raw ako dapat makita doon. Galit na galit daw sa akin ang Pamamahala at sila Ka Jun Santos dahil nagkagulo raw ang iglesia dahil sa akin. Baka hindi ko raw alam kung ano ang maaaring gawin sa akin ng iglesia.

Sa kasalukuyan ay hindi po kami gaanong lumalabas sa aming mga tinutuluyan maliban laman sa mga lubhang pangangailangan. Palipat-lipat po kami ng dako at mga probinsiya upang huwag matunton ng makapangyarihang grupo ni ka Jun Santos. Ang gobyerno ng Pilipinas ay hawak niya lalo na ngayon na nalalapit na ang eleksiyon kaya wala po kaming ibang magagawa kundi ang magtago para sa aming kaligtasan at ng aming mga anak. Ang humingi ng tulong sa mga nagmamalasaki at umaasa na may ilan sa gobyerno na di nila maaring suhulan.

Anoman ang mangyari mga kapatid, hindi po kami susuko. Maging ang aking mga anak ay nakahandang mamatay para sa isang malinis na Iglesia. Hindi po namin pagtataksilan ang Panginoong Diyos. Anoman ang gawin paninira ng mga tiwaling ministro at mga kapatid, nakahanda po kaming tanggapin ang lahat ng iyon alang-alang sa ikalilinis ng bayan ng Diyos.

Higit sa lahat ay nagpapasalamat kami sa Panginoong Jesucristo dahil nakabahagi kami sa kaniyang mga paghihirap para sa kaniyang katawan.

Mahal na mahal po namin kayong lahat.

Kapatid na Joy Yuson